Martes, Marso 27, 2012

Ready Na Ba Ako???


Seven Days before Graduation ng magsink in sakin na gagraduate na talaga ko this year. Nung gabing yun narealize ko na in a few days, iiwan ko na ung school na tumanggap at nag alaga sakin sa loob ng apat na taon. Naramdaman ko na ung lungkot. Lungkot lalo na pag naiisip ko na malapit na talaga. Halos hindi ako makatulog nung gabing yan. Recollection at baccalaureate pa naman kinabukasan.
                Kinabukasan, eto na talaga yung araw na pinaramdam samin na gagraduate na kami. Yung mga sinabi ni Bro. Demson at ang sermon ng pari, at lahat ng sinabi ng araw na yun, lahat yun sapul sa puso.  Lahat yun nagbigay samin ng dahilan para magreflect, magisip.   Dumating pa sa point na nailabas namin lahat ng saloobin namin. Ayos lang kahit marami ang umuwi na maga ang mata,at least pag labas namin ng simbahang yun, alam kong may nagbago sa pananaw ng bawat isa.
                Habang palapit ng palapit yung araw, mas lalong bumibigat yung pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Normal lang naman siguro na magkaroon ng mixed emotions kasi gagraduate ka, pero sakin, mas lamang yung lungkot. Lungkot na dulot ng idea na magkakahiwalay na kayo ng mga taong nakasama mo sa loob ng mahabang panahon. Ang hirap lang isipan na, after 4 years you need to leave something behind for you to take a step forward. Malungkot.Sobra. Nakakaiyak.
                Graduation na bukas. Ready na ba ko? Hindi pa pero kailangan, in a few months papasok na ko sa point ng buhay ko that will make or break my life. Nakakatawa lang isipin na dati, kinaiinisan ko ung mga bagay bagay during may high school, pero ngayon sure ako na mamimiss at hahanap-hanapin ko yun. Graduation na bukas. Naiiyak na ko, ngayon pa lang habang tinatype ko to. Nalulungkot ako ng sobra, pano pa kaya bukas? Kayanin ko sana. Graduation na bukas. Last day ko ng susuotin ang uniform ko, dadamhin ko na yun, last na eh. Graduation  na bukas, sana masaya ang lahat lalo na ang mga parents namin, nakaraos na kami ng high school at malaki ang naging parte nila doon. Salamat po sa inyo, sa lahat lahat ng ginawa nyo para samin. Graduation na bukas. Kita kits mga senior, sulitin na natin to, magpakasaya tayo, magdrama na tayo, moment natin yun. Araw natin ang March 28,2012. Graduation na bukas. Paalam na sa high school life ko L
Ang dami kong mamimiss, ang dami kong hindi makakalimutan. Mamimiss ko yung school, yung ambiance doon, yung mga staffs, yung catterpillar, yung Physics Lab, Chem Lab, ang stage,  yung iba pa naming naging room, pati na din ung Pigeoner’s Office, yung Principal’s Office, basta ung buong school J Mamimiss ko din yung mga contests and seminars sa loob at labas ng campus. Bihira daw yun sa college eh.. Yung mga overnight sa bahay-bahay at mga practice and projects na naging dahilan para makarating ako kung saan-saan. Yung mga teachers na naging instrumento para matuto at maging makabuluhan ang stay namin sa school. Ma’am and Sir alam kong hindi po ako naging perpektong estudyante sa inyo, pasensya na po. Salamat po sa lahat ng mga aral tungkol man po sa school o sa buhay. Naging malaking parte po kayong lahat kung sino ako ngayon at kung sino ako sa hinaharap. Hinding hindi ko po makakalimutan lahat ng tinuro nyo sakin, yung mga yun ang magiging sandata at gabay ko para harapin yung matitindi pang hamon sa buhay ko sa darating na panahon. Salamat po ulit ng marami. At syempre ang mga pinakamamahal kong mga kaklase at kaibigan, salamat sa inyong lahat para sa pagbibigay kulay sa high school life ko, alam kong di ko mamahalin ang high school kung wala kayo. Salamat sa lahat ng memories, sa kalokohan, sa glory, sa dramas, sa comedy, sa lahat lahat. Mahal ko kayong lahat. Alam kong marami pa kong makikilala, at magiging kaibigan pero isa lang ang sigurado, mahirap humanap ng mga taong tatapat sa inyo, THE BEST KAYO SENIORS J Sobrang mamimiss kong pumasok sa school na kayo yung nakikita at nakakausap, mamimiss kong gumala kasama kayo, mamimiss ko maging buwis buhay na photographer nyo J mahal ko kayo seniors especially ang mga kaibigan at Classates  ko, Merwin, Nicko, AA, Marvin, Andrew, Reinyll, Seth, Ian, Owel, Heland, Jess, Mong, Chester, Mykel, Pat, Zhie, Marj, Marianne, Che, Nit, Mariah, Kia, Nau, Marie, Jecel, Nelle, Sheila, Sheina, Allison, Isha, Elaine, Eunice, Jhem, Jelic, Noelle, Rhea, Ihna, Lyka, Kate, Tricia, Charot, Donna Kheana, Sigrid, Donalyn, Clyde, Aldrey at sa iba pa J Salamat ulit guys, sa pagiging parte ng buhay ko, sa pagtawag sakin ng Belen, at ng kung ano ano pa, sa lahat ng memories, Good Luck sating lahat J kaya natin yan, ang college life J walang magbabago, iba iba man tayo ng papasukang school, the friendship will remain.
Ako si Ritzchelle Clet Belenzo, Belen ang tawag sakin,  in less than 17 hours, isa na sa 1207 na bagong alumni ng Malabon National High School. Naging WanWan, TuWan, at certified member ng Vet Society, ng All Four One at ng EDC J Future Computer Engineering student sa UP Diliman. Proud to be part of Batch 2012. See you tomorrow SENIORS



































Walang komento:

Mag-post ng isang Komento